Sunday, June 7, 2009

CONTINUATION NG CHAPTER II

Ang Kadugtong...


Sa likod ng pinto may mga yapak na naririnig, kasabay ng pag dagundong ng langit, at bulusok ng malakas na hangin, ng biglang bumukas ito at sa kadiliman naaninag ang isang hugis; hugis ng isang tao. Unti-unting lumapit ang taong ito sa pinto at habang lumalapit dahan dahang nalalantad ang kanyong anyo sa tulong ng isang lampara, kumislap ang kanyang mga mata pag tama ng sinag ng lampara, nag deflect ang ilaw nito sa kanyang rayban, at ala robin padilla lumingon ito ng patakilid at tinanggal ang rayban...at minungkahi nya...

Mystery Guy: Bakit nakapatay ang ilaw?! ang dilim dilim kaya! di naman brownout ah!

nagimbal ang pamilya ni Signus. Inihipan ang lampara at in-on ang ilaw, at sinabi ng kanyang ama...

Erpats ni Signus: Ngak! Ikaw na pala yan Manong Huseyn!(insert kidlat effects) Di mo ba nagustuhan ang aming dramatic light effects? para grobi!

Huseyn: Anong grobi? ayusin mo nga yan! hindi grobi! kulto ang tawag dito o kaya Pank!

at habang nagsasalita ang myteryosong si manong Huseyn (insert kidlat effects), may narinig siyang isang malakas na BZZZZZ sound ng biglang may malakas na usok na pumalibot sa kanya at binalot siya...

Huseyn: *ubo2x* langya! ano ba to? imbes smoke machine ang gamitin nyo bakit tatlumpong katol to na nilagay sa tapat ng elektrikpan! balak nyo ba akong mamatay sa Lang Kanser?

Erpats ni Signus: Naku, patawad manong Huseyn(insert kidlat effects) kala namin gusto mo ng mala hollywood na entrance.

Huseyn: o siya2x, asan ang batang sinapian ng masamang espiritu? asan si Signus?

...Dahil sa mga tanong na yun, binalot ng katahimikan ang buong paligid...Hindi makasagot ang mga magulang ni Signus dahil sa sobrang pangamba at takot...ng biglang...

Signus: Gusto ko ng MAKE - UP KIT!!! asan na ang MAKE - UP KIT ko!!!

Nagimbal ang lahat sa malakas na sigaw na yun at dali dali silang tumakbo sa kwarto kung saan nakatali si Signus..Nagulat sila ng madatnan nila na nakalas na ni Signus ang mga tali at nagbago na ang kanyang mga damit... Naka... hanging blouse na siya... at polka dot na skirt... tunay na nakakagimbal... nakakapanlumo... at nakakatakot... at sa gitna ng Kaguluhan at kababalaghan sumigaw si manong Huseyn(insert kidlat effects)...

Huseyn: Kumuha kayo ng bawang galing sa gubat! isang drum na puno ng tubig galing sa kanal! Puso ng Saging na ginataan! mga bubug galing sa bote ng "the bar"! at higit sa lahat isang mocha frappe galing starbucks!!! bilisan nyo!!!

Erpat: Para san po ang mocha frappe manong Huseyn?(insert kidlat effects)

Huseyn: Wag mo ng kuwestiyonin ang aking pagka dalubhasa! lahat ng sinabi ko ay kelangan!bilisan mo!

Tumakbo ang mga magulang ni Signus at naiwan sa kwarto ang dalawa...

nakaupo lamang sa kama si Signus, naka cross-leg o dikwatro, at magkahawak ang dalawang kamay na nakapatong sa tuhod ng paa...

samantalang si Huseyn(insert kidlat effects) ay nakatayo sa may pintuan lamang, nakatitig, nagmamasid, at nanlilisik ang mga mata...at sinabi nya...

Huseyn: Ang unang pumikit ang mata...TALO!!!

bumukas ang mga bintana sa lakas ng puwersa ng pagsigaw ni Huseyn at bumulusok ang malakas na hangin papasok... ngunit si Signus ay hindi nagimbal...

Signus: Gaym.(sabay kindat)

SINO ANG MANANALO SA LABAN NILANG DALAWA?
MAKAKAKITA KAYA NG MAKE - UP KIT SI SIGNUS?
DISQUALIFIED NA BA SI SIGNUS DAHIL KUMINDAT SIYA?
O DI KAYA NAMAN NAG TIME PERS SIYA MUNA BAGO KUMINDAT?
AT BAKIT LAGING MAY KIDLAT EFFECTS TUWING BINABANGGIT ANG PANGALAN NI HUSEYN?
SENYALES BA ITO NA SIYA AY MAY KAPANGYARIHAN?


ABANGAN ANG KADUGTONG PAG DI NA TINAMAD ULIT ANG MAY ARI NG BLOG NA TO!

Tuesday, May 12, 2009

Ang Alamat ni †SiGnuS† : Ang Hari ng BukidLat

Chapter II: Ang Hinagpis ng Magulang



Lumaking masipag at matikas na binata si Signus, tunay na pinagpala ang kanyang mga magulang. Nabuhay siya ng tahimik at mapayapa sa kanilang simpleng barong2x. Ala silang cable tv pero meron silang Dream Sattelite, walang electricfan ngunit may Hondura airconditioning. Simpleng buhay lamang ang kanyang kinalakhan.

*insert bahay kubo background music*

Ngunit isang malagim na gabi, nagising na lang ang mga magulang ni Signus sa isang malakas at matinis na sigaw, isang sigaw na nakakabingi at nakakagimbal. Nagmadali silang tumakbo sa kwarto ni Signus at sila ay nagimbal sa kanilang nakita. Isang eksenang hindi kayang ilarawan ng kahit anong salita, tunay na nakakapanindig balahibo...

*insert aswang cellphone ringtone*
Nakita nila si Signus na sumisigaw na parang sinapian ng malanding dalaga na nakapatong sa upuan habang tinuturo ang isang maliit, mabalahibo, at mabahong... DAGA!!! Nagimbal sila... Di mapagkakailang isang masamang espiritu ang sumapi sa anak nilang si Signus. Hinabol nila ang daga sapagkat malakas ang pakiramdam nila na ito ang sanhi ng pagsapi ng masamang espiritu kay Signus, gawa ito ng EBIL!!! sigaw ng ama ni Signus. Ngunit nakatakas ang malaking daga. Nagsisisigaw parin si Signus at di mapigilan. Sa pagkakataong ito hinuli na siya ng kanyang ama at tinalian ito. Nagpatawag ng Albularyo ang kanyang ama...
(makalipas ang ilang oras)
Dumating na ang albularyo...isang matandang ermitanyo...malalaman mo ito sa kanyang damit, naka PUMbA shoes at LACTOSE shirt. nakikita ang karunungan sa kanyang anyo... nakakasilaw...nakakamangha...

sa puntong ito bibitinin ko kayo!

ANO ANG MANGYAYARI SA PAGHAHARAP NG ALBULARYO AT NI SIGNUS!
MAHUHULI KAYA NILA ANG DAGANG NAGDALA NG MASAMANG ESPIRITU!
AT BAKIT NAGHAHANAP NG MAKE UP KIT SI SIGNUS! eto na ba ang kanyang katapusan?

Monday, May 11, 2009

Ang Alamat ni †SiGnuS† : Ang Hari ng BukidLat

Ang Alamat ni †SIGNUS†: Ang Hari ng BukidLat
Nuong unang panahon sa kaharian ng BukidLat; ang lugar na puno ng misteryo at kababalaghan, ng giyera at abu sayyaf, ng mga senador na maagang nangangampanya at mamamayang uto-uto, nabuhay ang isang binatang sobrang pinagpala. Siya ay higit na nakakalamang sa ibang nilalang sa mundong ibabaw. Binigyan siya ng mga regalong ginawa siyang mistulang isang diyos diyosan; lakas ng oso, bilis ng cheetah, liksi ng tipaklong, mata ng langaw, at higit sa lahat mukha ng isang kabayo with matching snout. Dahil sa mga taglay nyang lakas siya ay tinaguriang hari ng BukidLat, Siya ay nag ngangalang... *insert drumroll*†SIGNUS†! ang Hari ng BukidLat! Lat! Lat! Lat!.. *ubo* Lat! Lat!

Ngunit bago ang lahat mag simula tayo sa pinakaunang bahagi ng kwento sa buhay ni Signus...

CHAPTER I: Ang Pagsibol

*OMITTED by MTRCB*
(ewan bakit...masiyado daw malaswa para sa isang free blog, kaya mag popost na lang ako ng pabitin sa chapter I para magets nyo ano ang nangyari...I repeat di ko parin alam bakit inomit ng MTRCB)
exerpt:
ina ni Signus: ahhh!
tatay ni Signus: ohhh!
(if gusto nyo malaman ang istorya sa likod ng Chapter I comment lang kayo sa baba at hanapin ang 200 words na password.)


CHAPTER II: Ang Hinagpis ng Magulang
TO BE CONTINUED

Tuesday, April 28, 2009

Ang Alamat ng Kidlat

Ang Alamat ng Kidlat

Sa pagsilang sa mundong ibabaw, nabuhay ang mga tao ng matiwasay; walang gulo, away, abs-cbn, gma, politiko, adik, at kung anik anik pang pampagulo lang sa mundo.

Sa mala paraisong lugar na to nabuhay ang mga hayop ng matiwasay na pinamumunuan ng dalawang taong nilikha ng Kuya. Si Maximo at si Olivia. Ngunit si Olivia ay mapangahas. Ninais nyang magkaruon ng kaalaman sa lahat ng bagay, Nagpa akit siya sa anyaya ng ahas na ninuno ng mga politiko sa pilipinas.

Ahas: Eba! Ininka mo na to! rapsa rapsa ng Sanasnam na to. Ladto ka na YosDi pag posta inka mo to! ( Idol ni pareng ahas mga repapipz ng dekada sitenta )

Olivia: Bad daw yan eh. If I eat I will be scolded by God. Pero it looks masarap in fairness...hmm... can I taste? wag you maingay ha?Ill make pitas one.
( Si Eba ang pinakaunang Maarte sa Mundo)

Ahas: SSSSS!!!!bwahaha. Inka lang kaw rema! kuha lang! sssSSSsss...

At kumuha nga si Olivia ng Mansanas sa puno ng karunungan. Dalawang Mansanas ang naubos nya at yun ang naging dahilan sa dalawang bukol sa dibdib ng mga henerasyon ng mga babae ngayon.

Hindi pa siya nakuntento, nasarapan siya at dinalahan nya ng isang mansanas si Adan!

anak ng, nandamay pa!

Olivia: Adan babey! Kain na you apple I got from Garden! so yummy. You try! sige na!I make subo to you.

Maximo: Ngunit yan ay pinagbabawal wika ng dakilang maykapal, kaya datapwat tayo ay sumunod pagkat ang parusang naghihintay sa sumuway ay napakalubha...
( May lahing makata si Adan )

Olivia: Di na kita labs sige ka...

Maximo: Ha?eh...Sige na nga...Ngunit isang kagat lang sapat na upang mapaalam ko na tunay ang aking pagibig o irog ko.

*habang Kumakagat ay may malakas na boses na tumunog sa background sa tulong ng Dolby Surround, ngunit pumiyok ito dahil peke ang nadownload.*

Nabulunan si Maximo dahil sa pagkabigla at naiwan ang kinagat na mansanas sa lalamunan nya at eto ang dahilan kung bakit may bukol sa leeg ang mga kalalakihan.

Kuya: Housemates! lapastangan kayo sa aking bahay! di kayo marunong sumunod sa mga rules and regulations! dahil diyan may kaukulang parusa kayong tatanggapin!

Dumagundong ang Langit! Gumuho ang Lupa! Nawala ang Mga Puno! naging wasteland ang buong lugar. Eto ang pinakaunang senyales ng Global Warming. Si Maximo at Olivia ang may kasalanan sa pagkasira ng kalikasan, sa pagkatunaw ng polar ice caps at sa magastos na mga bata na ligo ng ligo dahil sa init ng panahon.\

Pinalayas sila sa bahay ni Kuya ng walang welcome back party or tv special! naglakad sila palabas habang may background music na "Thunder ng Boys like Girls".

At dito nagtatapos ang alamat ng Kidlat...

Asan ang Kidlat? Basahin mo ulit!Dumagundong ang langit! hello?!:p